WebClick Tracer

Sana all! AC Bonifacio nayakap si Ne-Yo

Bukod sa pagrampa ni Catriona Gray sa nagdaang concert ng singer na si Ne-Yo, isa rin ang dancer at aktres na si AC Bonifacio sa mga maswerteng nakasalamuha ang sikat na singer.

Ibinahagi ni AC sa social media ang nakakatuwang pangyayari matapos yakapin ang singer at nakapagpakuha pa ito ng larawan.

Tila game na game naman si Ne-Yo na makisalamuha kay AC at niyakap ito ng mahigpit.

“future classics @neyo” saad sa caption ni AC.

Sa kasalukuyan, pumalo na sa lagpas 142,000 likes ang pumuso sa nasabing post.

Si Ne-Yo ang nagpasikat ng mga awitin na ‘So Sick’, ‘Miss Independent’ at ‘Because Of You’.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on