WebClick Tracer

Price freeze sa 25 lugar ipinapatupad pa rin

Tinatayang nasa 25 lugar pa rin ang ipinapatupad ang price freeze, ito ay dahil sa apekto ng nagdaang northeast monsoon, shear line at low pressure area (LPA).

Ang mga lugar ay mula sa rehiyon IV-B, VIII, IX, X, XI at CARAGA.

Matatandaang nagdeklara ang ilang lugar ng state of calamity.

Binabantayan naman ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga presyo ng canned fish, instant noodles, bottled water, tinapay, processed milk, kape, kandila, laundry soap, detergent at asin.

“Aside from basic necessities, our regional and provincial offices’ monitoring teams also check for the price and supply of other commodities. We urge manufacturers to ensure adequate supply in these areas,” ayon sa pahayag ni DTI Consumer Protection Group Undersecretary Ruth Castelo.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on