WebClick Tracer

Pimentel sa blue ribbon: P6B deal sa Pogo auditor balatan

Pinaiimbestigahan ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III sa Senate blue ribbon committee na magsagawa ng hiwalay na pagdinig sa posibleng korapsyon at iba pang paglabag ng mga opisyal ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) na sangkot sa diumano’y maanomalyang kontrada sa third-party auditor.

Sa pamamagitan ng Senate Resolution No. 443, binanggit ni Pimentel ang kuwestiyonableng kredensiya at kredibilidad ng Global ComRCI na una nang ibinunyag ni Senador Sherwin Gatchalian sa pagdinign Senate committee on ways and means noong Martes.

Ang Global Com RCI ay kinuha ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) para suriin ang kita ng Philippine offshore gaming operators (Pogos).

“According to Sen. Gatchalian, Pagcor failed to vet the qualifications and competence of the third-party auditor, Global ComRCI, which it awarded a 10-year contract worth P6 billion in 2017,” sabi ni Pimentel sa kanyang resolusyon.

Bilang chairman ng ways and means committee, nanguna si Gatchalin sa imbestigasyon ng patuloy na operasuon ng ilang POGO kahit na sangkot ang mga ito sa iligal na gawain.

Nadiskubre pa ng komite ni Gatchalian na walang tanggapan ang Global ComRIC, kulang ang kapital, hindi nagbabayad ng buwis, hindi nakarehistro sa Bureau of Internal Revenue at Securities and Exchange Commission at hindi sumusunod sa ibang requirement ng Terms of Reference sa biding documents ng Pagcor.

Binanggit rin ni Pimentel ang naunang pahayag ni Gatchalian na maaring nabudol o nagpabudol ang Pagcor sa bilyong pisong kontrata sa nasabing third-party auditor.

“It is apparent from the foregoing that the third-party auditor, Global ComRCI, is not legally, technically and financially capable to be a consultant of Pagcor as required under our procurement rules and regulations, and should have not been awarded for being ineligible and disqualified from the start,” ayon sa minority leader.

Maging ang Commission on Audit, ani Pimentel, ay nakitang may kakulangan sa proseso ang Global ComRCI sa kanilang pagsusuri sa POGO noong 2020.

“Considering the huge amount involved for a multi-year contract of this magnitude, this matter should be further investigated for possible malfeasance, misfeasance or nonfeasance and corruption on the part of the Pagcor officials involved in the anomalous procurement of the said party auditor and possible conspirators in the private sector,” sabi pa sa resolusyon. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on