WebClick Tracer

Nanay todo bantay sa date ng anak via video call

Naghatid ng good vibes ang isang ina na nakababad sa video call para bantayan ang kanyang anak sa date nito sa boyfriend.

Ibinahagi ni Karen Grace Arguelles Dilag sa Facebook ang screenshot ng video call ng kanyang ina, na nag-viral.

Nakabantay ang kanyang ina sa bawat ginagawa nila ng kanyang nobyo sa beach.

Narito ang FB post ni Karen:

me: ma, pede kami mag-date ni gohano?

mama: okay. basta babantayan ko kayo.

me: sasama ka?

mama: aba’y hindi

me: eh ano?

mama:

Laptrip ang netizens dito:

“Hahaha jusko day tindi na nito hahaha.”

“Mama Juliet Atud Corpuz??? jokeeee langg.”

“Nanonood ng k-drama ‘yarn?”

“Kanang overprotective kaayo ang parents bah HAHAHA.” (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on