WebClick Tracer

Mental health professionals ikakalat sa pampublikong paaralan

Inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikalawang pagbasa ang panukala na lilikha ng Mental Health and Well-being Office sa ilalim ng Department of Education (DepEd) at pagkuha ng mga mental health professional na ikakalat sa mga pampublikong paaralan.

Ang panukalang Basic Education Mental Health and Well-being Promotion Act (House 6574) ay inaprubahan sa pamamagitan ng voice voting.

Layunin ng panukala na pangalagaan ang emotional, psychological, at mental health well-being ng mga mag-aaral at guro kasama ang mga estudyante na mayroong problema sa batas, mataas ang tyansa na hindi na mag-aral, mga biktima ng karahasan at pang-aabuso.

Ang mga Mental Health and Well-being Office ay ilalagay sa bawat Schools Division sa buong bansa.

Ang mga mental health professional na ipakakalat sa mga paaralan ay makakukuha ng pribelihiyo sa ilalim ng Magna Carta for Public Health Workers, Mental Health Act at iba pang katulad na batas.

 Sa ilalim ng panukala, itatayo rin ang Joint Congressional Oversight Committee on the Basic Education Mental Health Program upang bantayan ang pagpapatupad ng batas. Ang mga miyembro nito ay tig-limang miyembro ng Senado at Kamara. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on