WebClick Tracer

Kevin Durant absent pa ng ilang linggo para sa Nets

Matapos ang ilang linggo na pag-upo lang ni Kevin Durant sa bangko ng Brooklyn Nets dahil sa natamo nitong injury. Naglabas ng pahayag ang Nets hinggil sa sitwasyon ni Durant.

Ayon sa Nets, “very pleased” umano ang doktor ni Durant sa kaniyang pagrekober ngunit magpapatuloy pa rin ang pagpapalakas ng tuhod nito at magsisimula na rin ng ilang workout.

“Durant will continue to strengthen his knee and begin running and on-court basketball activities this week. He is scheduled to be reassessed in another two weeks.”

Bagama’t wala pang kasiguruhan kung kailan ito makakabalik, nais naman ni Durant na makapaglaro sa 2023 NBA All-Star Game ngunit ayaw naman nito na mabilisin ang kaniyang pagrekober.

“I want to play tomorrow if I can. So that’s what my sense of urgency is. Obviously, I don’t want to rush anything. I want to make sure I’m 100 percent. But yeah, I want to play. I want to be a part of all these events,” (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on