WebClick Tracer

Cynthia Villar dinipensahan si Mark: Marami siyang naitulong sa UP

Dinipensahan ni Senadora Cynthia Villar ang plano ng University of the Philippines (UP) na pagkalooban ng honorary degree ang kanyang anak at kapwa senador na si Mark Villar dahil marami siyang naitulong sa unibersidad.

Pagbibida pa ng senadora, siya ang una sa pamilya na nagawaran ng honorary degree sa UP Los Baños.

“I think he (Mark) was given that because he helped UP a lot. Ako, because I help [with] agriculture a lot, so they gave me [one] sa Los Baños. So the moral of the story: you help UP a lot,” sabi ni Villar sa isang forum sa Maynila.

Ayon sa mambabatas, siya at ang kanyang asawa – ang bilyonaryo at dating Senate President Mannuel Villar Jr. – ay nakapagbigay ng limang ektarya ng lupa sa UP sa Dasmariñas, Cavite, para sa itatayong bagong business school doon.

Hindi nga lang niya alam kung ang itatayong gusali ay ipapangalan sa kanilang pamilya sa oras na matapos ito.

Sabi pa ni Villar, hinikayat niya si Mark na tumakbo sa pagka-senador dahil nakatakdang matapos ang kanyang termino sa Senado sa 2025.

Matatandaan na mariing kinontra ng UP Office of the Student Regent ang paggagawad ng honoris causa kay Mark dahil sa isyu ng land grabbing. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on