WebClick Tracer

Service incentive leave ng mga pribadong manggagawa gawing 10 araw – Bong Go

Isinusulong ni Senador Christopher “Bong” Go ang isang panukala na naglalayong dagdagan ang service incentive leave (SIL) ng mga kawani ng pribadong sektor sa bansa.

Layunin ng Senate Bill No. 1705 na amiyendahan ang Article 95 ng Labor Code of the Philippines, na nagmamandato sa mga employer na bigyan ang kanilang mga manggagawa ng sampung araw ng SIL kada taon na may bayad.

Sa kasalukuyan, ang SIL ay ipinagkakaloob sa mga manggagawa na nagse-serbisyo na ng 12 buwan sa kumpanya. Subalit nakasaad sa Labor Code na binibigyan lang sila ng mandatory leave credits sa minimum ng limang araw at iba pang leaves.

Sa panukala ni Go, isinusulong nito na amiyendahan ang Labor at dagdagan ang SIL kung saan magiging 10 araw na ito mula sa dating limang araw sa kada taon nang serbisyo nng manggagawa sa kanyang kumpanya.

“The granting of this additional incentive leave is in recognition to the critical role and sacrifices that employees play in nation-building,” sabi ni Go.

“This measure also aims to boost the morale and satisfaction of employees which are manifested in increased productivity and minimize the risk of health and safety issues among employees,” dagdag niya.

Bilang pagkilala sa mahalagang papel at kontribusyon ng mga manggawa sa lipunan, sinabi ni Go na dapat lang na bigyan ng proteksyon at isulong ang kanilang karapatan at kapakanan.

“Habang dahan-dahang bumabalik ang sigla ng ekonomiya, dapat suportahan natin sila at bigyan ng mga proteksyon ang ating mga manggagawa dahil sila ang tunay na backbone ng ating ekonomiya,”  diin ni Go.

“Sama-sama nating ibabalik ang sigla ng ating kabuhayan. Bukas ang aking opisina sa kung ano pa ang pwede naming maitulong sa kanila,” saad pa niya. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on