WebClick Tracer

Taylor Swift, Travis Scott sa ‘Pinas? Don Bosco nilinaw ang kumakalat na pekeng poster

Mabilis na nilinaw ng Don Bosco Technical Institute – Makati na mali at walang katotohanan ang kumakalat na poster sa social media kung saan makikitang magpe-perform umano sa kanilang Foundation Day ang mga sikat na music artists na sina Taylor Swift, Travis Scott at The Weeknd.

“It has come to our attention that this poster has been circulating online. Let us note that this is disinformation.”

Ang mga magpe-perform talaga umano ay ang Mayonnaise, si Kitchie Nadal, 647 at Kuatro Kantos.

“The official performers at the event to be held on January 28, 2023, are Mayonnaise, Kitchie Nadal, 647, and Kuatro Kantos.”

Nagpaalala din ang Don Bosco na maging maingat sa mga nakikita sa social media.

“Let us all caution ourselves with the information we read and share on social media. Always make it a practice to check your sources.”

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on