Para kay Senadora Cynthia Villar, dapat may puso para sa mga magsasaka ang italagang kalihim ng Department of Agriculture (DA).
Ginawa ng senadora ang pahayag matapos sabihin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Madrcos Jr. na isang eksperto sa agrikultura ang kanyang itatalagang kapalit niya sa ahensiya.
Ayon kay Villar, chair ng Senate committee on agrilcuture and food, marmaing agriculture expert ngunit wala naman umanong malasakit ang mga ito sa mga magsasaka.
“Ako maganda rin na may secretary of DA but make sure ang secretary of DA mahal ang mga farmer,” sabi ni Villar sa panayam ng mga reporter.
Aniya, kung wala aniyang puso para sa mga magasasaka ang itatalaga sa DA, katumbas ito ng kawalang serbisyo para sa sektor na pinagsisilbihan.
“Maraming expert ka lang kung walang heart for the farmer, wala rin. Mahirap din. Maraming nag-influence sa’yo to do something not good for the farmers kaya minsan di na rin maka-resist,” sambit pa ni Villar.
Binigyang diin pa ni vzillar na dapat pag-aralan ang personalidad ng itatalagang kalihim ng ahensya dahil makikita naman agad kung may malasakit ito sa ating mga magsasaka. (Dindo Matining)