WebClick Tracer

Sanggol nasagip matapos ipagpalit ng ina sa iligal na droga

Ipinagpalit ng isang ina ang kanyang anim na buwang sanggol na anak sa iligal na droga sa Dasmariñas, Cavite.

Itinanggi naman ito ng ina ngunit inamin na tumanggap ng iligal na droga.

“Parang barter ang dating… marami na tayong nahuli hindi ganoon pero ito iba kasi ‘yung anak niya ang ginamit niya para makakuha ng drugs,” pahayag ni Cabuyao Police chief Police Lieutenant Colonel Jack Angog.

Sa ulat ng kapulisan, nahuli ang ina nitong Sabado sa isang buy-bust operation.

“Tapos kung magkano man ‘yung kikitain niya du’n, ibabalik niya, ibibigay niya du’n worth the same shabu para makuha niya ulit ‘yung anak niya,” ani Angog.

Samantala, kasalukuyang nasa kustodiya ng CSWD na ang sanggol.

(Jan Terence)

TELETABLOID

Follow Abante News on