WebClick Tracer

PCG, tumulong sa Philippine Navy sa pagrekober ng ‘smuggled’ na sibuyas 

Tumulong ang Philippine Coast Guard (PCG) sa  Philippine Navy at iba pang ahensiya ng gubyerno na kunin ang smuggled na sibuyas sa isang van at watercraft sa Varadero De Cawit, Zamboanga City nitong Lunes, Enero 23. 

Nakuha ng lokal na awtoridad ang tinatayang 44,000 kilo ng smuggled na pulang sibuyas. 

Bawat bag nito ay tinatayang umaabot sa apat na kilo. 

Samantala, nananatiling alerto ang mga awtoridad sa mga posibleng pagpasok at paglabas ng mga smuggled na sibuyas ngayong may kakulang sa suplay nito sa bansa. 

(Jan Terence) 

TELETABLOID

Follow Abante News on