WebClick Tracer

PBBM tiniyak na hindi magagamit sa money laundering ang Maharlika

Pinawi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pangamba ng publiko na baka magamit sa money laundering ang Maharlika Wealth Fund sakaling makalusot ito sa Kongreso.

Sa panayam sa Pangulo sa Palasyo nitong Lunes, sinabi nito na hindi mangyayari ang pinangangambahan ng mamamayan dahil hindi aniya savings account ang Maharlika Wealth Fund na puwedeng igarahe ang pera.

“The worry about the fund being used as a money laundering device implies that private monies will be put into the fund. But yes private monies will be involved with the fund but it’s not a savings account that you just put it there and it stays there,” saad ng Pangulo.

Ang pondo aniya sa MWF ay magsisilbing “seed fund” para sa mga gagawing proyekto kapag pumasok ang gobyerno sa partnership sa ibang gobyerno o public private partnership.

Ilalabas lamang aniya ang pondo kapay mayroong proyektong paggagamitan kaya hindi puwedeng makalusot ang money laundering sa MWF.

“Now, whenever we come into partnership, we do a G2G with Japan, for example, or we do a PPP with some big outfit, then that is only the time that the monies come into the fund to be used for the program. Hindi ‘yun basta’t, “O sige, bigyan niyo ako ng ilang bilyong dolyar tapos ilalagay lang ‘yan basta akong bahala na diyan.” It’s not like that at all.And in fact, even on our end, we will only deploy funds when there is a very specific project to be paid for. So money laundering just won’t come into it,” dagdag ng Presidente. (Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on