WebClick Tracer

PBBM: Pagtaas ng presyo ng mga produktong pagkain nakakaalarma, pinabayaan ang agriculture sector

Inamin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakakaalarma ang pagtaas ng presyo ng mga produkto ng pagkain sa bansa .

Sa panel interview sa Pangulo sa Palasyo, sinabi nito na dahil sa nangyayari ngayon sa mataas na presyo ng mga bilihin partikular ang sibuyas at iba pang agricultural products ay hindi maiwasang mag-import kahit labag sa kaniyang kalooban.

Emergency aniya ang pangangailangan kaya kailangan mag-import ng ilang produktong pang-agrikultura bilang short term na remedyo upang hindi mahirapan ang mamamayan sa mataas na presyo.

Ang mga nararansan aniya ngayon ng publiko sa mataas na presyo ng mga bilihin ay dahil sa kapabayaan sa sektor ng agrikultura sa matagal-tagal ng panahon na naging dahilan para mababa ang produksyon ng mga magsasaka.

“The increasing prices of food products is alarming. And that’s why we have to be – now have to – whatever we do, we cannot – we must import. I think my sentiments about importation are clear. But it is an emergency situation that has been brought about by neglect of the agricultural sector for many, many years. And therefore, our production is well below our demand. Therefore, we must import,” saad ng Pangulo.

Isa pa aniya sa dahilan ng mababang produksyon sa agrikultura ay dahil sa tumatandang populasyon ng mga magsasaka dahil sa kawalan ng interes ng mga batang henerasyon sa agrikultura.

Dahil dito, hindi matustusan ng mga magsasaka ang lahat ng pangangailangan sa pagkain ng mga Pilipino kaya kinakailangang umangkat sa ibang bansa.

“In the Philippines, the average farmers 57, 58 years old; and the young people are not that interested to enter into farming. So there are all of these multifaceted problems that are being – that we face in terms of agriculture,” dagdag ng Pangulo.

Kinakailangan aniyang magpatupad ng bahagyang reorganisasyon sa Department of Agriculture (DA) dahil iba ang ginagawa ngayon at sa ginagawa noon kaya asahan ang mga ilang pababago sa burukrasya.

“So those are the essential elements that I’m talking about. There is some reorganization that needs to be done in the Department of Agriculture for the simple reason that we are doing different things from what they were doing – what we were doing before. And so you have to restructure the bureaucracy in like fashion,” wika ng Pangulo. (Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on