WebClick Tracer

Patrick Sugui, Aeriel Garcia magiging magulang na

Masayang ibinahagi ng aktor na si Patrick Sugui at asawa nitong si Aeriel Garcia na sila ay magkakaroon na ng baby.

Sa pamamagitan ng isang video, inanunsyo ng dalawa ang nakakatuwang balita.

Makikita pa sa video na hinawakan ng aktor ang tyan ng asawa at halatang excited na ito para sa baby.

“S04 EP01 : the one where they start a family” saad sa caption.

Ilang netizens naman ang tila nagulat at natuwa sa balita na ito ng mag-asawa.

“OMG!!!!!! Buntis si Pat???? Congrats guys”

“Yeyyyyyy!!! Congrats to you both!”

“It’s finally out Congratulations you two!! You’ll be such amazing parents”

Sa kasalukyan, lagpas sa 50,000 likes na ang pumuso sa nasabing video.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on