WebClick Tracer

Para tumaas produksiyon! Gobyerno tutulungan mga magsasaka ng sibuyas

Nangako ang gobyerno na tutulungan ang mga magsasaka ng sibuyas para mapataas ang kanilang produksiyon at matiyak ang sapat na supply sa bansa.

Sa harap ito ng nararanasan ngayon ng publiko na mataas na presyo ng sibuyas sa mga pamilihan.

Pinulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.nitong Martes sa Malacanang ang mga opisyal ng Department of Agriculture at tinalakay ang mga posibleng paraan upang maparami ang ani ng mga magsasaka ng sibuyas.

Una aniya rito ay palawakin ang mga lugar na pinagtataniman ng sibuyas sa bansa at pangalawa ay bibigyan ng magandang binhi ng sibuyas ang mga magsasaka para sa

“We’ll do this by increasing the area that is being planted to onions, number one.And secondly, we will help by – the DA will help by providing inputs. So the first part of that is we are going to the seed producers so that they will produce good seed that we can give to the farmers at some point. Iyon ang kanilang gamitin as inputs. And all that what they need,” anang Presidente.

Pinag-usapan rin sa pulong ng Pangulo ang kakulangan ng cold chain facilities na kailangang-kailangan para sa mga produkto ng magsasaka.

Sinabi ng Presidente na kailangan ang maraming cold storage upang hindi agad masira at mabulok ang produkto ng mga magsasaka na isa sa nakakaapekto kaya mataas ang presyo ng sibuyas at iba pang produktong agrikultural.

“We need more cold storage, we need a better, stronger cold chain para ma-maintain naman natin, ma-preserve naman natin ‘yung agricultural products. So iyon ang mga plano, ‘yun ang mga ginawa namin para [sa] mga immediate needs doon sa ating mga nagtataasan na presyo ng agricultural products,” dagdag ng Pangulo. (Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on