WebClick Tracer

Niloko ng ‘nakauna’ sa kanya: Influencer nagpaopera ng ‘petchay’ para bumalik ang virginity

Nagbayad ng $10,000 o mahigit kalahating milyong piso ang isang 22-anyos na social media influencer upang maibalik ang napunit niyang hymen at maging virgin muli.

Sumailalim ang Brazilian influencer na si Julia Medeiros, ng Miami, sa hymen repair surgery, ayon sa ulat sa New York Post.

Ani Julia, “isinuko niya ang bataan” sa isang 30-anyos na lalaki noong 17-anyos pa lamang siya.

Ipinaliwanag ni Julia na hindi naging maganda ang alaala niya sa pagkawala ng kanyang virginity dahil niloko siya ng lalaking nakauna sa kanya kaya gusto raw niyang maibalik muli ang “pagkabirhen” niya at maging “special moment” niya ito sa tamang lalaki.

“Just like many women, I was deceived. I was promised marriage and children like in fairy tales,” kuwento ni Julia.

“Like many women, I believe we have this moment stolen from us. I always wanted to have that special moment for myself. I want it to be unique and romantic like in fairy tales — that’s why I had the surgery,” dagdag niya.

Hindi na pinangalanan pa ni Julia ang lalaking nanloko sa kanya, limang taon na ang nakalipas. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on