WebClick Tracer

Mas magaling siya kay Juday? Julie Anne San Jose kumontra

Hindi sumang-ayon si Julie Anne San Jose sa sinabi ng isang netizen na mas magaling siya kay Judy Ann Santos pagdating sa aktingan.

Sa Twitter, pinuri ng netizen ang pagganap niya sa “Maria Clara at Ibarra” at kinumpara kay Juday.

“Walang sinabi si Mara (Judy Ann Santos) kay Maria Clara (Julie Anne San Jose),” saad ng netizen.

“Si Juday magaling lang lumuha pero hindi nakakadala. Si Julie Anne tagos bawat salita! Napakahusay!” dagdag nito.

Kinontra ito ni Julie Anne at sinabing marami pa siyang kakaining bigas.

“Hello po, hindi po totoo ito. I look up to Ms. Judy Ann, isa po siya sa pinakahinahangaan at pinapanood ko simula bata pa ako, at marami pa po ako kakaining bigas. Itigil na po natin ito. Salamat,” reaksyon ni Julie Anne. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on