WebClick Tracer

Marian nagalit sa sinabi noon ni Dingdong

Inamin ni Marian Rivera na hindi sila magkasundo ni Dingdong Dantes nang magsama sa fantaseries na “Dyesebel”.

Sa “Fast Talk With Boy Abunda” kahapon, January 23, naging guest si Marian at naikuwento niya ang sinabi sa kanya ni Dingdong na kinainis niya.

“Hindi ko makakalimutan nung time ng ‘Dyesebel’ na sabi niya sa akin, “Ang suplada mo naman, tini-text kita bakit hindi ka nagre-reply? Siguro naka-prepaid ka lang’,” ang sabi raw sa kanya ni Dingdong.

“Galit talaga ‘ko. Kasi ‘yung totoo nun naka-prepaid talaga ako,” dagdag ni Marian.

“So bumili ako ng maraming card… pupunta ako sa dulo, nagkakaskas ako para mag-load ako. So, affected ako sa sinabi niya,” patuloy ng aktres. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on