WebClick Tracer

House panel inaprubahan panukalang pagtatayo ng sementeryo ng Muslim

Inaprubahan ng House Committee on Muslim Affairs ang substitute bill ng mga panukala na naglalayong magtayo ng mga sementeryo para sa mga Muslim.

Ang panukala ay kapalit ng House Bill 2587 na akda nina Lanao del Sur Representatives Zia Alonto Adiong at Yasser Alonto Balindong at HB 3755 na akda ni Deputy Minority Leader at Basilan Rep. Mujiv Hataman.

“The draft substitute bill is more or less a merger or compromise among the two. Some amendments were made or provisions were inserted by me, the chair, to make the substitute bill a little bit less hostile should it course through the different committees here in Congress,” sabi ng chairperson ng komite na si Lanao del Norte Rep. Mohamad Khalid Dimaporo.

Sa ilalim ng panukala, magtatayo ng sementeryo ng mga Muslim sa mga lokal na pamahalaan kung saan mayroong malaking populasyon ng Muslim. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on