WebClick Tracer

Frat member nilamog sa palo ang ulo, todas

Negros Occidental

Natagpuang walang buhay ang isang miyembro ng fraternity na pinagpapalo sa kanyang ulo hanggang sa mamatay sa loob ng isang subdivision sa Antipolo City.

Batay sa report ng Antipolo City police, mga sugat sa ulo sanhi ng matigas na bagay ang ikinasawi ng biktimang si Enrico Cruz, alyas Nightmare, miyembro ng Triskelion Fraternity.

Nadiskubre ito na nakabulagta sa isang madilim na damuhan sa Steel Homes, Sitio Saguipin Brgy San Luis, Antipolo City nitong Lunes ng gabi.

Ayon sa witness, iniwan ng biktima ang kanyang motorsiklo sa guard house ng subdivision at saka naglakad patungo sa lugar.

Hindi naman nawala ang mga dalang gamit ng biktima maliban sa cellphone nito na hindi matagpuan at hinihinalang tinangay ng may kagagawan sa krimen.

Lumalabas din sa imbestigasyon na plano umano ng biktima na magtayo ng bagong chapter ng kanilang fraternity.

Patuloy pa ang imbestigasyon at inaalam ang motibo sa krimen at kung sino ang salarin. (Ronilo Dagos)

TELETABLOID

Follow Abante News on