WebClick Tracer

‘Baby Meteor’ mestizo! Dyowa ni Whamos nanganak na

Nanganak na ang girlfriend ni Whamos Cruz na si Antonette.

Sa Facebook ibinahagi ng digital creator ang pag-video niya sa panganganak ni Antonette.

Makikitang humagulgol habang umiire si Antonette.

Nanginginig naman ang boses ni Whamos habang ikinukuwento ang posibilidad na matubuhan sa likod si Antonette.

“Actually, 9cm na siya so isa nalang hinihintay para ma-push na kasi kapagka-ano puwede siyang tubuhan sa likod, tube kung tawagin pero sabi ko ‘ayoko’, kailangan tiisin niya, so lintik ‘yung kaba ko ngayon,” sey ni Whamos.

Kilig na kilig naman si Whamos nang ibalita sa kanya na lumabas na si “Baby Meteor”.

“Makikita na natin si Meteor… kasi andiyan na lumabas na si Meteor,” excited pang sabi ni Whamos.

Sa bandang dulo ng video ay makikitang sinubukang kargahin ni Whamos ang kanilang baby, na nagmana raw kay Antonette.

Giliw na giliw naman ang ilang staff ng ospital dahil ang “ganda-ganda” at mestizo umano si “Baby Meteor”. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on