WebClick Tracer

Babu Sam? Catriona Gray ‘bet’ rampahan si Ne-Yo

Isa si Catriona Gray sa mga nakisaya at nakiawit sa nagdaang concert ng singer na si Ne-Yo.

Ibinahagi pa nito sa social media ang larawan ng kaniyang outfit bago rumampa sa concert ng nasabing singer.

“@neyo nahanap mo na ba si Miss Independent?! Nandito na siyaaaa! So excited to fan girl yeheeee” saad sa caption ni Catriona.

Humirit naman ang ilang netizens sa caption na ito ng dalaga.

“akyat agad ng stage kapag pinarampa ka nak ha! GO”

“Ay, ang cute mo naman magtagalog muning!”

“BEB BAKA MAG LAVA WALK KASA CONCERT HUH HAHAHA”

“Kapag kumanta Siya ng miss independent, tumaas ka po sa stage sampalin mo kami ng lava walk.”

Sa kasalukuyan, lagpas sa 210,000 likes na ang pumuso sa nasabing larawan.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on