WebClick Tracer

Babu Nunn! Lakers nabingwit si Rui Hachimura

Nakuha na ng Los Angeles Lakers si Rui Hachimura matapos itaboy si Kendrick Nunn at ilang draft picks. Ito ang unang trade ng Lakers ngayong papalapit na sa kalagitnaan ng season.

Naniniwala ang Lakers na malaki ang maitutulong ni Hachimura sa kanilang koponan.

“Adding both size and depth to the wing position has been a goal, and the chance to accomplish that by acquiring a player with Rui’s two-way skills and upside was an opportunity that doesn’t present itself often,” ayon sa pahayag ni Lakers vice president of basketball operations at GM Rob Pelinka.

Si Hachimura ay may average na 13.0 puntos at 4.3 rebounds ngayong season. Nakuha ito ng Washington Wizards noong 2019 draft.

Samantala, ang itinaboy naman ng Lakers na si Nunn ay may problema sa kaniyang tuhod kaya’t isa ito sa mga rason upang palayasin na siya ng koponan. Si Nunn ay may average na 6.7 puntos ngayong season. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on