Iniimbestigahan na ng lokal na awtoridad sa Half Moon Bay sa northern California, USA ang pinakabagong insidente ng pamamaril nitong Martes, Enero 24 na may pitong tao ang patay habang isa naman ang kritikal, ayon sa San Mateo County Sheriff.
“The Sheriff’s Office is responding to a shooting incident with multiple victims in the area of (Highway) 92 and the (Half Moon Bay) City limits,” ayon sa kanilang mensahe sa Twitter.
“Suspect is in custody. There is no ongoing threat to the community at this time,” dagdag pa nila.
Ang nabanggit na insidente ay dalawang pangyayayari ng pamamaril sa timugang bahagi ng San Francisco.
Samantala, patuloy pa rin ang imbestigasyon sa bilang ng mga apektado ng nabanggit na insidente.
(Jan Terence)
The Sheriff's Office is responding to a shooting incident with multiple victims in the area of HWY 92 and the HMB City limits. Media is requested to approach from the north and stage at the Half Moon Bay substation at 537 Kelly Ave. in Half Moon Bay
— San Mateo County S.O (@SMCSheriff) January 23, 2023