WebClick Tracer

Zeinab Harake nakasalamuha ang lodi na si Marian Rivera

Ibinahagi ni Zeinab Harake sa social media ang naramdaman nitong kilig matapos makasalamuha ang kaniyang lodi na si Marian Rivera.

Bukod kay Marian, nakasama rin nito ang asawa ng aktres na si Dingdong Dantes.

Makikita sa unang larawan na magkayakap pa ang aktres at si Zeinab at talaga namang kitang-kita sa mukha ni Zeinab ang pagka-starstruck.

Ayon pa kay Zeinab, “forever lodi” niya umano ang aktres.

“My forever lodi, My marimar i love you so so much @marianrivera”

Humiling naman ng collab ang mga netizen sa dalawa.

“idol marian and zeinab nagkasama den collab na yan”

“sabihin niyo may collab kaming aabangan”

“di ako papayag kailangan magcollab kayooo!!!”

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on