WebClick Tracer

Trak umandar mag-isa, estudyante dedo

Patay ang isang estudyante habang apat ang sugatan matapos araruhin ng isang trak ang isang bahagi ng Cavite State University nitong Lunes sa Indang.

Ayon sa ulat, nagbabasa ang mga estudyante nang umararo ang trak sa main campus ng unibersidad, kung saan namatay on the spot ang isang first year student.

Depensa ng driver na si Federico Bakula, nakalimutan niyang lagyan ng kalang ang mga gulong ng truck nang mag-deliver sila ng tubig sa eskuwelahan.

Nasa kustodiya na ng Indang Police si Bakula. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on