WebClick Tracer

Puti, pulang sibuyas mula sa China dumating na sa ‘Pinas

Dumating na sa Pilipinas ang mga puti at pulang sibuyas na inangkat mula sa China.

16 na container ng puting sibuyas at 32 container ng pulang sibuyas ang dumating sa ‘Pinas, ito ay ayon kay Bureau of Plant Industry (BPI) Director Glenn Panganiban.

Bagama’t nasa ‘Pinas na, sumasailalim pa umano ang mga ito sa second border inspection bago ibenta.

Ang second border inspection umano ay requirement upang masigurong walang nahahalong sibuyas sa ibang agricultural product.

Inaasahan naman na ibebenta sa mas murang halaga ang mga naangkat na sibuyas.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on