WebClick Tracer

Pope Francis, nakiramay sa mga biktima ng pambobomba sa Congo

Pope Francis

Nagpaabot nang pakikiramay si Pope Francis sa mga biktima ng pambobomba sa isang Pentecostal church sa eastern Congo, isang atake na inako umano ng “Islamic militants” dalawang linggo bago bumisita roon ang pinakamataas na lider ng Simbahang Katolika.

Sinabi ng mga awtoridad na ang pambobomba nitong Linggo sa Kasindi, isang lugar sa hilagang bahagi ng probinsya ng Kivu, ay pumatay ng higit kumulang 14 tao.

60 naman ang nasugatan, dagdag pa sa kanilang ulat.

“The Islamic State group and its Aamaq news outlet said militants had planted an explosive device inside the church and detonated it while people were praying,” ayon sa ulat ng Religion News Service.

“His compassion and closeness to all the families hard hit by this tragedy,” pahayag ni Pope Francis habang nananawagan para sa kapayapaan.

Nakatakdang dumating ang Santo Papa sa Congolese capital Kinshasa sa darating na Enero 31 para sa tatlong araw na pagbisita.

(Jan Terence)

TELETABLOID

Follow Abante News on