WebClick Tracer

PAGCOR ‘nabudol’ sa third-party auditor para sa mga POGO – Gatchalian

gatchalian

Nabudol umano ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa P6 bilyong kontrata nito sa kinuhang ‘third-party auditor’ na Global ComRCI an siyang nag-o-audit sa mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO), ayon kay Senador Sherwin Gatchalian.

Sabi ni Gatchalian, chairman ng Senate ways and means committee, ang kontrata para sa 10 taon ay ibinigay sa PAGCOR kahit kuwestiyonable ang mga dokumentong ipinasa ng third-party auditor.

Sa nasabing pagdinig, ipinakita ilan sa mga pinaniniwalaang fake document kung saan batay sa bangkong nag-certify sa Global ComRCI na Soleil Chartered Bank ay mayroong $25 million na pondo ang third-party auditor pero lumabas sa pagdinig na ang nasabing bangko ay hindi rehistrado ng Bureaof Internal Revenue.

“Ang assessment ko, in short, nabudol ang PAGCOR dahil kumuha sila ng 3rd party auditor na ang ibinigay bank certificate ng isang bangko na di naman register sa BIR,” sabi ni Gatchalian.

“Yung techncal capability walang ipinakita at lumalabas na ang mga taxes di nagbabayad. mahalaga ang 3rd party auditor dahil dito kinukuha datos kung magkano binabayad sa atin, kung mali ang binibigay nilang datos mali makokolekta ng BIR,” dagdag pa niya.

Bukod diyan, hindi rin rehistrado sa Makati Local Government Unit ang Global ComRCI at hindi rin totoo ang address ng opisina na ibinigay

“Nakita natin walang office di nagbabayad ng taxes di pa pumunta ngayon nakita natin may credibility issues at aminado ang PAGCOR na di nila na-check kasalanan din nila bakit inaprubahan,” ayon kay Gatchalian.

“Nakakadismya dahil gusto natin ang gobyerno naghahanap ng kita pero nag aaprub tayo ng 3rd party auditor na mali naman ang ibinibigay sa kita,” sambit pa niya. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on