WebClick Tracer

Naka-5 bebot! Vice Ganda sinubukang gamutin pagiging beki: ‘Nanginig ako, nanigas ako!’

Inamin ni Vice Ganda na nakalimang girlfriend siya noong sinubukang magpakalalaki.

Ikinuwento ito ng comedian sa 2nd episode ng YouTube show ni dating Manila Mayor Isko Moreno na “Iskovery Night”.

Tanong sa kanya ni Moreno, “Nagka-girlfriend ka?”

Sey ni Vice, “Oo. Nagka-girlfriend ako… lima… limang girlfriend.”

“Kailan mo nalaman na hindi ebaba [babae] ang gusto mo?” sundot na tanong sa kanya ng dating yorme.

“I have always known. I have always felt like bakla ako… Alam ko na pero nilalabanan ko siya kasi sabi ko nga dati, ‘maggi-girlfriend ako.’ I was trying to cure it until I realized — bakit ko kinu-cure eh hindi naman ‘to sakit, hindi naman siya disability. Hindi naman siya nagbabago, gumi-girlfriend lang ako pero bakla pa rin ako at lalo ko lang nare-realize na, ‘Hindi bakla talaga ako’,” tsika ng “Unkabogable Star”.

“Hindi ko kayang humalik. Hindi ko kayang halikan sa labi. Hindi ko kayang humawak sa dede, I swear… nanginig ako, nanigas ako, na kinilabutan talaga ako,” dagdag niya.

Matapos nito’y na-realize raw ni Vice na hindi niya mababago ang sarili.

“‘Yun ka. Hindi talaga ‘yun mababago. Kahit anong klaseng pagbabagong ipilit mong ibigay o ilagay sa sarili mo, sinasabi mo lang ‘yun pero hindi mo talaga ‘yun nababago.” (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on