WebClick Tracer

Mga klase sa paaralan sa Quezon City, itinigil dahil sa ‘bomb threat’

bomb threat

Itinigil muna kaninang umaga ang klase ng mga estudyante ng New Era Elementary School sa Quezon City dahil umano sa bomb threat.

Isang guro umano ang nakatanggap ng bomb threat bandang 5:30 a.m., ayon sa ulat ng Super Radyo dzBB.

Damay din ang mga high school student na pinauwi dahil sa insidente.

Samantala, nagsagawa naman ng inspeksyon ang Quezon City Police District (QCPD) sa kanilang campus.

Sinabi ni QCPD director Police Brigadier General Nicolas Torres III wala naman umanong bomb threat pagkatapos nilang isagawa ang inspeksyon.

Tinatayang 6,000 estudyante ang apektado ng insidente.

“We will require sa ating PNP, ang sabi ko nga e, hindi lang sa opening ng klase ‘yung presensya ng ating pulis doon, dapat the PNP should always be there especially during the time na merong school activities,” pahayag niya.

“Nakikita po ng ating mga estudyante na may presensya ang pulis sa kanilang paaralan,” dagdag pa niya.

(Jan Terence)

TELETABLOID

Follow Abante News on