WebClick Tracer

Mass shooting suspek sa Chinese New Year celebration sa California nagbaril ng sarili

May tama ng bala ang isang lalaki na sinasabing suspek sa mass shooting na kumitil sa buhay ng 10 katao sa Chinese New Year celebration sa California.

Sa ulat nagbaril umano ng sarili ang hindi pa Pinangalanan bg suspek matapos masukol ng LA Police sa isinagawang manhunt operation matapos ang pamamaril kagabi.

Nauna rito ay naiulat ang panibagong mass shooting sa selebrasyon ng Chinese New York sa California.

Ayon sa Los Angeles Sheriff Department naganap ang pamamaril sa magkahiwalay na lugar sa Los Angeles County.

Nagkaroon ng standoff sa pagitan ng LAPD SWAT sa Torrence California ilang kilometer ang layo sa mass shooting site matapos matunton ng mga ito ang white van na umano’y pag-aari ng suspect na tinawag nilang armed and dangerous pero patay na ang suspect ng lapitan ito SWAT tactical team. (Dave Llavanes Jr.)

TELETABLOID

Follow Abante News on