WebClick Tracer

Magna Carta on Religious Freedom lusot sa Kamara

Kamara

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara de Representantes ang panukalang Magna Carta on Religious Freedom Act.

Sa botong 256 pabor, isang tutol, at tatlong abstention, inaprubahan ng Kamara sa sesyon ang House Bill 6492 na nagbabawal sa gobyerno o sinumang tao na pagbawalan ang iba sa kanilang paniniwalang pangrelihiyon maliban na lamang kung ito ay magdudulot ng karahasan o kung kakailanganing protektahan ang publiko laban dito.

Ang panukala ay alinsunod sa Section 5, Article III ng 1987 Constitution at iba pang international human rights instruments na sinang-ayunan ng bansa gaya ang Universal Declaration of Human Rights, International Covenant on Civil and Political Rights at Declaration on the Elimination on All Forms of Intolerance and Discrimination Based on Religion and Belief.

Si Camarines Rep. LRay Villafuerte ang pangunahing may-akda ng panukala.

Kabilang sa ipagbabawal ng panukala ang pagpilit sa isang indibidwal na umanib o hindi umanib sa isang relihiyon, pagbantaan ang isang indibidwal dahil sa kanyang relihiyon, hindi pagtanggap sa isang aplikante dahil sa kanyang relihiyon, o pagsibak ng isang indibidwal sa trabaho dahil sa kanyang relihiyon.

Ang mga lalabag ay pagmumultahin ng P50,000 hanggang P2 milyon at/o kulong na anim hanggang 10 taon. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on