WebClick Tracer

LeBron walang katulad! Lakers giniba ang Trail Blazers

lakers

Muling nanguna si LeBron James upang makuha ng Los Angeles Lakers ang panalo kontra sa Portland Trail Blazers, 121-112.

Bagama’t nauna ang Trail Blazers at tinambakan ang Lakers na umabot pa sa 25 ang lamang, hindi nagpadaig ang Lakers at muling nakagawa ng comeback.

Pinangunahan ni James ang alon ng opensiba ng Lakers at nakapagtala ng 37 puntos at 11 rebounds, isang double-double performance na naman para kay ‘King James’.

Patuloy din ang magandang ipinapakita ni Dennis Schroder sa opensiba at may ambag na 24 puntos, walong assists at anim na rebounds. Sa pagkawala ni Anthony Davis, muling sinelyuhan ni Thomas Bryant ang ilalim at nagtala ng nakakalulang double-double performance, 31 puntos at 14 rebounds.

Samantala, bagama’t anim na puntos lang ang ambag ni Russell Westbrook, mayroon naman itong naitalang walong rebounds.

Naging halimaw sa ilalim ang Lakers at may nakuhang 51 rebounds laban sa 38 rebounds lamang ng Trail Blazers. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on