WebClick Tracer

Jodi Sta. Maria naglibot sa Taiwan

Masayang ibinahagi ng aktres na si Jodi Sta. Maria ang naging paglibot nito sa Taiwan kasama ang kaniyang pamilya.

Binisita nito ang mga sikat na tourist spots katulad na lamang ng Shifen Old Street, Yong Kang, Taipei 101 at National Palace Museum.

Ibinahagi rin nito na naging tiga-picture pa ito sa ilang turista habang sila ay nasa National Palace Museum.

“At the National Palace Museum. Minsan artista…minsan litratista ng turista”

Sa huling parte ng post, ibinahagi nito kung ganito siya kasaya sa nasabing trip.

“Unforgettable short but sweet sojourn with the family to Taiwan. Sometimes unplanned trips are the best Til our next adventure!”

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on