Positibo ang reaksyon ng netizens sa pagbabalik telebisyon ni King of Talk Boy Abunda.
Unang episode pa lang ng show niyang “Fast Talk” sa GMA ay nag-trending agad ito nitong Lunes.
Natuwa ang mga fan ni Marian Rivera dahil ang Kapuso Primetime Queen ang unang sumalang sa balik Kapuso ni Abunda.
Narito ang ilang comment nila:
@Rorry1025: “Ang bonggesus naman pala ng first episode ni Tito Boy si Marian Rivera ang guest #FastTalkWithBoyAbunda.”
@noelontheroad: “My ‘The Buzz’ heart is so freaking happy now that #FastTalkWithBoyAbunda is happening! Let’s goooo Tito Boy! Congratulations to all the men & women behind this incredible show! OMG! Marian Rivera on hot seat for it’s pilot episode!”
@Rorry1025: “Congrats ang thank you Tito Boy for having Marian as your first guest.”
@JhenDigal13: “Tito Boy is home. Again welcome back po.”
@Rorry1025: “Talagang pinag hahandaan ni Toto Boy ang kanyang mga questions sa kanyang mga guest at klaro talaga.” (IS)