WebClick Tracer

Anjo Yllana, takot na bang pumasok sa relasyon?

Ibinunyag ng aktor na si Anjo Yllana ang “trauma” na naranasan niya matapos nilang maghiwalay ng kanyang dating asawa na si Jacqui Manzano.

Sa kasalukuyan, si Anjo ay may apat na anak kay Jacqui.

Nang tanungin sa isang panayam kung may plano pa ba siyang pumasok sa isang relasyon, sinabi ng aktor na “nag-iisip din ako… Kaya lang sa na-experience ko kasi sa isang relasyon, sabi ko nga, medyo na-trauma ako.”

“Kasi ang naiisip ko no’n mula bata ako, ang pangarap ko kasi magkaroon ng marriage na habambuhay, walang hiwalayan,” dagdag pa niya.

“Kasi ‘yun na ‘yung nakuha ko sa magulang ko eh. Kahit araw-araw sila nag-aaway, nagbabatuhan ng masasakit na salita, hanggang katapusan, hanggang nawala ang tatay ko, never sila nag-break. It was an inspiration kasi ang nakinabang doon kami,” paliwanag ni Anjo.

Samantala, naghahanda naman ang aktor para sa kanyang nalalapit na senior years lalo na ngayon na siya ay 55 years old na.

“Ang pini-prepare ko na lang yung ano ba ang gagawin ko pag ano na ako … beyond 60. ‘Yung nag-retire ka na tapos for a while hindi alam kung anong gagawin. Parang, sa akin, ano kaya yung retirement ko? Mag-ge-guest-guest na lang ba ako? Or kunwari, tumakbo ako sa pulitika sa 2025… konsehal kunwari. Tapos hindi na ako tatakbo forever? Mga ganu’n,” saad ng aktor.

“Gusto kong planuhin na yung pagtanda ko. Gusto ko kahit wala masyadong trabaho na. At least, may ipon ka para makapasyal, makakain sa Jollibee at McDo. Hahaha!” dagdag pa niya.

(Jan Terence)

TELETABLOID

Follow Abante News on