WebClick Tracer

VP Sara nagpasalamat sa mga plastic surgeon

Sara Duterte

Nagpasalamat si Vice President Sara Duterte sa mga plastic, reconstructive, at aesthetic surgeon na tumutulong umano upang maging maganda ang buhay ng iba.

“Thank you for your kindness and acts of selflessness. Kailangan po ng Pilipinas ang mga katulad ninyo na handang tumulong sa kapwa. Sa tuwing tumutulong kasi tayo sa ating mga kababayan, tinutulungan din natin ang ating bayan,” sabi ni Duterte.

Dumalo si Duterte sa Induction Ceremonies ng Philippine Association of Plastic, Reconstructive, and Aesthetic Surgeons (PAPRAS) Induction na ginanap sa Bonifacio Global City, Taguig noong Sabado ng gabi.

“Your extraordinary effort, commitment, and determination to sustain the growth of the field of aesthetic and reconstructive surgery in the Philippines will never go unnoticed,” sabi ni Duterte.

Noong siya pa ang mayor ng Davao City, sinabi ni Duterte na nakipagtulungan ito sa Mindanao Aesthetics Plastic Surgery upang matulungan ang mga batang may bingot o cleft palate.

“Lahat ng madaanan kong mga barangay before na may nakikita akong mayroong cleft palates na mga bata ay pinapadala kaagad namin sa aming mga partner surgeons,” kuwento ni Duterte.

Sa tulong ni Dr. Arnulfo Mapayo ay natulungan umano nila ang nasa 100 bata na may bigot.

Mayroon din umano silang natulungan na sundalo na sugatan sa Marawi Siege, ayon kay Duterte. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on