WebClick Tracer

TikTok star Krizzle Luna sapol ang ‘spine’ sa aksidente, hindi maigalaw ang katawan

Bumaha ng dasal para sa content creator na si Dr. Krizzle Luna o mas kilala bilang “Doc Luna” matapos niyang maaksidente.

Sa isang video sa Facebook, ibinahagi niya ang kalagayan niya sa ospital.

Aniya, nawalan ng preno ang nakasalubong nilang sasakyan at lubhang tinamaan ang parte ng kanyang leeg, na bahagi ng kanyang spine o “C6 vertebrae”.

Hindi daw niya maigalaw ang kanyang katawan ngunit nagagalaw naman umano niya kahit papaano ang kanyang kamay.

“Nagkaroon po ng vehicular accident na nawalan ng preno ‘yung nakasalubong naming sasakyan pero grabe si Lord. Kahit na naapektuhan ‘yung C6 ko, ayan coherent pa rin tayo,” ani Doc Luna.

“Kaya natin ‘to, lalaban tayo,” dagdag niya.

Nanawagan din siya ng dasal para sa kanyang recovery at nagpasalamat sa Diyos para sa second chance.

Ang TikTok star na si Doc Luna ay nakilala sa mga video tungkol sa paglilinaw sa mga maling akala pagdating sa usaping pangkalusugan.

Mayroon siyang 7 milyong subscribers sa TikTok sa kasalukuyan. (IS)

https://www.facebook.com/lunakrizzleofficial/videos/1204868737104121

TELETABLOID

Follow Abante News on