WebClick Tracer

Scottie napuruhan si Jinky, buntis!

Scottie

Umaagos ang blessings kay Ginebra star Scottie Thompson.

Matapos nilang magkampeon sa katatapos na PBA Commissioner’s Cup nitong January 15, 2023, ibinalita niya ngayong 6 months preggy na ang kanyang misis na si Jinky Serrano.

Sa Instagram, nag-post si Scottie ng vacation photos nila, kung saan makikitang ibinida ni Jinky ang kanyang ultrasound habang nakahalik sa baby bump niya si Scottie.

“Grace overflowing. I’m so excited to meet the person who is half me and half you,” sey ng reigning MVP sa caption ng post.

“One of God’s greatest blessing is on it’s way I LOVE YOU BOTH! #6monthsPreggy,” dagdag niya.

Noong December 2021 lamang ikinasal sina Scottie at Jinky sa isang beach wedding ceremony sa Davao del Norte.

Ngunit bago nito’y nag-civil wedding na sila sa Las Piñas noong June sa parehong taon. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on