WebClick Tracer

MIF gagamitin para mapababa presyo ng kuryente, petrolyo

Ang panukalang Maharlika Investment Fund (MIF) ay gagamitin umano upang mapababa ang presyo ng kuryente at produktong petrolyo sa bansa.

Ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez, gagamitin ang MIF upang mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino.

“Filipinos cannot wait. We have to bring down the cost of electricity, the cost of power, the cost of oil,” sabi ni Romualdez sa panayam bago magtapos ang biyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 2023 World Economic Forum (WEF).

Ang MIF ay gagamitin din umano sa mga developmental projects upang mapataas ang produksyon ng pagkain sa bansa.

“President Marcos will not sit on his hands. He has no time to just waste time. I mean, he needs to lead the country and that’s why he was voted for by over 31 million people and now he leads over a hundred. So we all have to work double time. It’s not too late. In fact, huli na nga tayo,” dagdag pa ni Romualdez.

Nanawagan naman si Romualdez sa mga senador na basahin ang MIF at pag-usapan upang mas lalo itong mapaganda at mapakinabangan ng mga Pilipino. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on