WebClick Tracer

Magsasaka patay sa ratrat sa Samar

magsasaka

Patay ang isang magsasaka matapos na ito ay tadtarin ng bala ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa Brgy. Tabawan, Calbayog City, Samar, Biyernes ng umaga.

Halos hindi na makilala ang biktima matapos matadtad ng tama sa ulo at mukha na agarang ikinamatay nito.

Kinilala ang biktima na si Romnick Degnos, 34 taong gulang, residente ng nasabing barangay.

Ayon sa report ng pulisya, nakarinig na lamang ng sunod-sunod na putok ng baril ang mga kaanak ng biktima at ng puntahan ay nakita ito na nakabulagta na sa lupa sa kanyang bukid.

Patungo ang biktima sa kanyang sakahan ng ito ay tambangan ng mga suspek na mabilis ding tumakas matapos ang krimen.

Patuloy pa ang imbestigasyon at inaaalam kung sino ang mga salarin at kung ano ang motibo sa krimen. (Ronilo Dagos)

TELETABLOID

Follow Abante News on