WebClick Tracer

Kutsero, kabayo todas sa trak

kutsero

Patay ang isang kutsero at kanyang kabayo matapos silang masalpok ng wing van truck sa San Nicolas, Ilocos Norte nitong Sabado ng umaga.

Ayon sa report ni Abante correspondent Ronilo Dagos, tinatahak ng kutsero at kabayo, na may nakakabit na karwaheng ginagamit bilang karo ng patay, ang national highway sakop ng Barangay 16 nang salpukin sila ng truck sa hulihang bahagi.

Agad nasawi ang kabayo sa lakas ng pagkakasalpok ng trak habang namatay habang ginagamot sa ospital ang 52-anyos na kutsero na nakasakay sa karwahe nang mangyari ang insidente.

Ayon imbestigasyon, napaidlip ang 24-anyos na nagmamaneho ng truck kaya naararo nito ang nasa unahang karwahe.

Nahaharap siya ngayon sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on