WebClick Tracer

JV Ejercito, Win Gatchalian kumbinsido cyberattack posibleng dahilan ng aberya sa NAIA

Naniniwala si Senador JV Ejercito at Senador Win Gatchalian na posibleng cyberattack ang dahilan ng aberya sa Ninoy Aquino International Airport noong Bagong Taon.

Nitong nakaraan, sinang-ayunan ni Ejercito ang naging pahayag ni Gatchalian na maaring cyberattack ang dahilan sa nangyaring aberya sa NAIA na nagdulot ng libo-libong kanseladong flight sa buong bansa.

Aniya, matapos ang nangyaring aberya sa NAIA, ilang linggo lang ay nag-down din ang air traffic management system sa bansang Amerika at Canada na posibleng dahilan ng cyberattack.

Matatandaang sinabi ni Gatchalian na maaring cyberattack ang dahilan nito. Sa nakikita niya, hindi na umano bomba ang bagong digmaan ngayon sa mundo kundi pagpapadala ng virus sa sistema ng teknolohiya.

(Jan Terence)

TELETABLOID

Follow Abante News on