WebClick Tracer

Eksperto sa agrikultura, bet maging DA secretary ni Marcos

Inihayag ni Pangulong Bongbong Marcos na dapat isang expert ang maging susunod na kalihim ng Department of Agriculture (DA).

Sinabi niyang ang agrikultura ay isang “napakakomplikadong usapin” at hindi dapat iupo ang kung sino-sino lang.

“Hindi lang kung sino-sino basta’t magaling mag-manage. They have to understand the science… They have to understand the solution. They also have to understand the system,” lahad ni Marcos sa pagsasalita niya sa harap ng mga reporter sa Switzerland noong Biyernes.

Nauna nang nanawagan ang Senate minority bloc na magtalaga ang Pangulo ng full-time na DA secretary na magsisiguro ng food security sa bansa.

Pero ani Marcos, na siyang DA chief sa kasalukuyan, “All the hard things, ‘yung mahirap gawin ngayon namin gagawin. ‘Pag nagawa na namin ‘yung mga bucket list namin, natapos na namin, aalis na ako then I will give it to somebody else.” (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on