WebClick Tracer

DepEd tututukan benepisyo ng guro, pag-unlad ng estudyante, rehabilitasyon ng mga paaralan

DepEd

Tututukan ng Department of Education (DepEd) ang benepisyo ng mga guro sa pampublikong paaralan, ang pag-unlad ng mga mag-aaral, at ang rehabilitasyon ng mga paaralan sa ilalim ng termino ni Vice President Sara Duterte.

Sa kanyang talumpati sa Aklan’s Ten Outstanding Mentors (ATOM) Awarding Ceremony noong Sabado, sinabi ni Education Secretary Duterte na patuloy ang ginagawan ng DepEd sa Government Service Insurance System (GSIS) para matiyak na naibibigay ang mga benepisyo para sa mga guro at iba pang kawani ng ahensya.

Nakikipag-ugnayan din umano ang DepEd sa Department of Health (DOH) para maging libre na ang medical checkup ng mga guro.

“Pinapaki-usapan po namin at patuloy ang pakikipag dialogo namin sa Department of Health na gawing libre ang check up ng teachers,” sabi ni Duterte.

Ang DepEd ay nakikipag-ugnayan din umano sa Office of the President para sa dagdag na benepisyo sa mga teaching at non-teaching staff ng ahensya.

Nirerepaso rin umano ang K to 12 curriculum upang matupad ang mithiin nito na ang mga nagtapos ng senior high school ay maaari ng magtrabaho.

“Our dear teachers and mentors, you hold the key to our children’s future, and I honor each and every one of you for your zeal, commitment, and contributions to your community even beyond the call of duty. Congratulations for choosing the noble profession of being a teacher, being a mentor,” dagdag pa ni Duterte.

Ang mga ATOM awardee ay binigyan ni Duterte ng tig-P20,000 bukod pa sa P20,000 na natanggap ng mga ito mula kay Aklan Rep. Teodorico Haresco Jr., at P5,000 mula sa Office of Kalibo Mayor Juris Sucro. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on