WebClick Tracer

Bagong rehistradong botante, umabot na sa 600k ngayong Enero

Umabot na sa 600,000 ang mga bagong rehistradong botante na natanggap ng Commission on Elections (Comelec) na nagsimula nitong Disyembre 2022.

Sa ngayon, may 597,655 bagong nagparehistro kasama ang 264,994 mula sa edad 15 hanggang 17 at 268,425 mula sa edad 18 hanggang 30, ayon sa datos ng Comelec.

“The Comelec has received 1,029,212 applications for different processes since the resumption on Dec. 12, 2022 and the kickoff of the Register Anywhere Project in selected malls, universities and government agencies on Dec. 17, 2022,” ayon sa ulat mula sa PNA.

Inaasahang matapos ang registration period sa huling araw ng buwan ng Enero.

(Jan Terence)

TELETABLOID

Follow Abante News on