WebClick Tracer

Westbrook pabibo! Lakers pinaamo ang Grizzlies

Pinutol ng Los Angeles Lakers ang 11-game winning streak ng Memphis Grizzlies, 122-121.

Bagama’t isa ang Grizzlies sa mga pinakamalakas na koponan sa torneyo, hindi nagpadaig ang Lakers at tinakas ang panalo sa kanilang home court.

Nanguna sa opensiba ng Lakers si Russell Westbrook na pinakitaan si Ja Morant na iba pa rin ang pagiging beteranong point guard, nakapagtala ito ng 29 puntos, anim na assists at limang rebounds laban sa 22 puntos at walong rebounds ni Morant.

Bukod kay Westbrook, nagpasikat din si LeBron James na may naitalang 23 puntos at siyam na rebounds. May ambag din si Dennis Schroder sa opensiba, 19 puntos, walong assists at walong rebounds.

Naging malaking bala ng Lakers sa pagkapanalo ang kanilang free throw percentage, nakapagtala ang koponan ng 80.5 porsyento laban sa 65.0 porsyento lamang ng Grizzlies.

Samantala, inaasahan naman na nalalapit na ang pagbabalik ni Anthony Davis para sa Lakers. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on