WebClick Tracer

Noypi Justin Brownlee sabik suotin uniporme ng Pilipinas

Brownlee

Hindi maitago ang pagiging excited ni 3-time Best Import awardee at full-pledged na naturalized Pilipino na si Justin Brownlee na makapaglaro sa unang pagkakataon suot ang uniporme ng Pilipinas at bilang isang Pinoy sa nakatakda na unang ensayo ng Gilas Pilipinas bukas, Lunes.

“Can’t wait to wear my Gilas Pilipinas jersey and be with the other guys ballin,” sabi ni Brownlee sa isang panayam.

Ito ay matapos ihayag ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) executive director at spokesperson Sonny Barrios na sisimulan ng Gilas ang pag-eensayo sa Lunes, Enero 23, sa pamumuno ni head coach Chot Reyes at coaching staff para sa pagsabak ng koponan sa pang-anim at huling window ng FIBA World Cup Asian qualifier sa Pebrero.

Inihayag din ng SBP nitong Biyernes ang 24- katao na Gilas pool para sa ikaanim at huling window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na gaganapin sa Pebrero 24.

Ang mga naturalized na manlalaro na sina Ange Kouame at Justin Brownlee ay kasama sa inisyal na lineup ngunit isa lamang sa kanila ang maaaring maglaro sa ultimate qualifying leg.

Kabilang sa listahan ng pointguards sina Scottie Thompson, CJ Perez, Kiefer Ravena, Chris Newsome at Jerom Lastimosa. Ang shooting guards ay sina Roger Pogoy, Jordan Heading, Bobby Ray Parks Jr, Francis Lopez, at Schonny Winston.

Ang small forwards ay sina Dwight Ramos, Thirdy Ravena, Jamie Malonzo, Calvin Oftana at Arvin Tolentino habang ang mga forwards ay sina Japeth Aguilar, Justin Brownlee, Kevin Quiambao, Carl Tamayo at Mason Amos..

Ang mga sentro ay sina June Mar Fajardo, Kai Sotto, Raymond Almazan, at Angelo Kouame.

Sasagupain ng Gilas sa Philippine Arena ang tumalo dito sa unang paghaharap na Lebanon sa Pebrero 24 bago ang tinalo nito na Jordan sa Pebrero 27. (Lito Oredo)

TELETABLOID

Follow Abante News on